BAYANG MAGILIW, PERLAS NG SILANGANAN

BAYANG MAGILIW, PERLAS NG SILANGANAN
PILIPINAS KONG MAHAL

The Democratic Party of the Philippines was organized in 2009 to answer the needs of its members to help the home country, the Philippines reach an era of responsive, ethical and responsible governance. Its members include the citizenry from the sectors of: agrarian reform beneficiaries, ex-priests, tribal groups, senior citizens, government workers, retired soldiers, business and other multi-sectoral groupings.

Thursday, September 3, 2009

GENE DE LOYOLA 1 Sept 2009

Ang mas dapat tutukan ay maunawaan at isadamdamin isapapraktika ang katotohanan ng tunay na kasaysayan mula doon saka lamang mabubuo ang tunay na anyo kung ano ang dapat pagkaisahan.

Ang pagsusulong ng mga nararapat na benipisyo para sa lipunan upang ang pangunahing pangangailangan ng pisikal ay masustina bilang tao at maging may kakayanang mag isip makalahok sa pagbabago.

Sa sobrang kahirapan halos wala ng maikilos ang mamamayan dahil ang kanilang buong panahon ay inakupa na lamang ng oras para makaalpas sa kamatayan at mabuhay ganon ng kalala ang sitwasyon ang dating middle class ay naging urban poor na na halos hindi na rin makakilos upang maiambag man lang nila sa pagkikilahok sa tunay na pagbabago ang sintemento ay nasa isipan na lamang sa hirap na nadarama.

Sa kasalukuyan kitang kita at damang dama ang dagok ng sitema na nagreresulta sa matinding krisiss pang ekonomiya.Malaking magagawa ang mga patriotikong intelehensya upang makapag ambag sa pagbabago presure at pagkilos sa mga maling patakarang pang ekonomiya ng sistema at mga kurap na namumuno.

Sa pang matagalan ay ang malinaw na direksyong pang edukasyon sining at kultura, politika at ekonomiyang polisiya na may makataong perspektiba.

Sa pag angat pang kabuhayan ay tataas, tatalas ang kamalayan ng lipunan at unti unting wawakasan ang bulok na sistema tungo sa transpormasyon sa gabay ng ugat ng pinagmulan tungo sa kaliwanagan ng kinabukasan.

Sa katunayan may mga pwersa na sa ating lipunan na nagbabandila ng tunay na pagbabago sa proseso ng tama at mali kita rin natin ang mga pagkakamali nito ang mahalaga ay tumatanggap ng pagkakamali at natututong magbago, hindi simple ang proseso ng pagbabago, tunghayan natin ang kasaysayan sa pandaigdigan bago nakamit ng lipunan ang kanilang mga pangarap ay pinagbuhusan ng kaisipan, dugo at pagbubuwis ng maraming buhay, pinanday sa proseso ng maraming tama at mali upang madalisaw at makita ang kaliwanagan.

Gene

No comments:

Post a Comment